in

Pinoy, inaresto dahil sa pananakit sa anak na dalaga

Milan, Dis 27, 2012 – Ayaw payagan ang anak na dalagang lumabas kasama ang mga kaibigan at dahil sa pagpupumilit ay sinaktan ito. Ang ama, si Willie M., isang Pilipino, ay inaresto matapos ang ikatlong report ng pananakit sa dalaga.

Ayon sa mga report, matapos marinig ng mga kapitbahay ang sigaw ng dalaga, ay tumawag ang mga ito sa awtoridad at inaresto ang Pinoy. Ito ay naganap sa Via Sammartini, ilang araw na ang nakakalipas.

Umaga ng mag-paalam ang dalagang si Kim, 21 taong gulang  ng paglabas kasama ang mga kaibigan. Lubhang ikinagalit ng ama ang pagpapaalam ng anak at isang sampal ang isinagot nito sa dalaga. Ito ay hindi risulta ng bugso ng damdamin – ng galit  ngunit isang pangkaraniwang sagot ng ama sa anak nagsimula noong Marzo at naulit noong Mayo.

“Ilang buwan ko na ring naramdaman ang pagiging biolento ng aking ama at patuloy nyang pananakit sa akin. Palaging galit”, paliwanag ng dalaga sa awtoridad.

 

“Sisterakas”, nangunguna sa takilya

Programa ni Monti, nalimutan ang imigrasyon