in

Pinoy holdaper, arestado makalipas ang anim na buwan

Prato – Marso 1, 2013 – Bentisais anyos na Pilipino, residente sa lalawigan ng Pistoia, ang kinilalang holdaper at nagtangay ng 5000 € cash mula sa isang supermarket, matapos tutukan ng patalim ang cashier.

Inaresto ng mga pulis ng Caiano kamakailan ang suspect na Pilipino sa pangho-holdap noong nakaraang Agosto 30 ng Penny Market sa Poggio. Inaresto ang Pilipino matapos ihain ang warrant of arrest laban dito.

Ayon sa report, sa tulong ng awtoridad ng Calenzano, may takip sa mukhang tinutukan ng patalim ang cashier at tinanggay ang 5000 euro cash.

 

 

Italian language test para sa carta di soggiorno, kailangang i-rebisa

Citizenship, ibinigay sa kabila ng ‘patlang’ sa residency