in

Pinoy, binawian ng buhay matapos masagasaan

Rome, Enero 14, 2013 – Binawian ng buhay habang sinusugod sa ospital ng San Carlo ang nasagasaang Pilipino, 51 anyos, noong nakaraang Sabado bandang alas 9.10 ng gabi sa Via degli Zuccaro at angolo ng Via delle Primule, Milano (Lorenteggio). 

Tumatawid ang Pilipino sa pedestrian lane nang mahagip ng humaharurot na Smart na kumaladkad dito hanggang 15 meters ang layo. 

Ayon sa mga report, mabilis na tumugon ang ambulansya sa tawag ng nakasagasa, ngunit binawian ng buhay ang biktima bago pa man dumating ng ospital. 

Sumugod din ang mga vigili urbani upang imbestigahan ang aksidente. 

 

Mga government websites, na-hack

1-Day Dart Tournament sa Roma, tagumpay!