in

Pinoy, arestado sa kasong rape sa Como

Arestado ang isang 38-anyos na pinoy na nanggahasa sa kanyang pamangkin sa Como. Kalaboso ang bagsak ng lalake matapos itong arestuhin ng mga awtoridad ng Sesto San Giovanni Milano.

Sa salaysay ng biktima sa mga pulis, ang karumal-dumal na ginawa ng kanyang tiyuhin ay tumagal ng anim na taon, mula noong ang biktima ay labindalawang taong gulang pa lamang, taong 2013. At ito ay nagpatuloy hanggang sa buwan ng hulyo ng taong ito.

Hindi naging madali ang isinagawang imbestigasyon dahil sa hindi halos makapagsalita ang biktima dahil sa takot. Nagbanta umano ang suspek na gagawin din sa mas nakababatang kapatid nito ang kanyang dinanas kapag nagsumbong ang huli sa mga magulang.

Malayang naisagawa ng suspek ang panghahalay dahil ang mga magulang ng mga bata ay laging wala dahil sa trabaho.

Nailabas lamang ang kagimbal-gimbal na bangungot na ito nang ang biktima ay hindi na nakatiis at napansin na ang kanyang paghihirap.

Matindi umano ang psycological impact ng nangyari sa biktima at kinakailangan ng “counseling” upang matulungan ang biktima na malampasan ang mapait na pangyayari.

Naging mabilis ang aksyon ng mga awtoridad na arestuhin ang suspek nang mabalitaan na naghahanap umano ito ng tiket ng eroplano at nagtatangkang tumakas palabas ng bansa.

Payo ng mga awtoridad na maging mapagbantay, maingat, at bukas ang mga mata ng mga magulang lalo na kung ang mga bata ay mga babae at naiiwan sa pangangalaga ng ibang tao, kahit pa umano ang mga ito ay kamag-anak.

Quintin Kentz Cavite Jr

NICOLE SEVERO, mula Roma rarampa sa Manila para sa Miss Asia Pacific International 2019

Padre de pamilya, arestado sa kasong pambubugbog sa kanyang mag-ina