in

Pinoy, arestado dahil sa shabu

Arestado ng pulisya ang isang 46 anyos na Pilipino dahil sa pagkakasangkot nito sa shabu at pinaghihinalaan din na nakaw ang mga bisikleta at scooter na natagpuan sa garahe nito.

Ayon sa ulat ng Questura di Milano sa social media account nito, kahina-hinala umano ang naging kilos ng Pinoy sa isang kontrol noong nakaraang Sabado sa Viale Gran Sasso, Milan.

Sa katunayan, sa bulsa ng Pinoy ay natagpuan ng awtoridad ang 1.5 gramo ng shabu nakapakete at nakabalot sa foil at 1K cash.

Sa ginawang raid sa tahanan ng Pinoy ay natagpuan ang 1.5 gramo ng shabu at ilang kagamitan sa pagtitingi ng shabu tulad ng maliit na timbangan. Sa garage naman ay natagpuan ng awtoridad ang 26 bisikleta at ilan sa mga ito ay mamamahalin: 3 racing bikes at 1 electric scooter na pinaghihinalaang mga nakaw.

May sira o damaged ang driver’s license? Narito ang dapat gawin

Alamin ang status ng aplikasyon ng italian citizenship. Narito ang mga hakbang