in

Pinay, umamin sa ginawang pagnanakaw sa employer

Isang  21 anyos na Pinay, residente sa Lecce, ang umamin sa awtoridad matapos ireport ng kanyang employer dahil sa pagnanakaw.

Sa ginawang imbestigasyon ay hindi na nagawa ng Pinay ang ipagkait pa ang ginawa at kasabay ng malakas na hagulgol ay inamin ang ginawang pagnanakaw.

Ang employer, isang matandang nasa wheel chair at ang anak nito ay unang naghinala sa pagkawala ng €450. Bukod dito, ay napansin din ng anak ng employer ang ilang withdrawals at pagamit sa bancomat: kabilang na dito ang 4 na withdrawal ng € 600, isa ng € 100, at dalawang gamit ng bancomat: € 140 at € 499.

Sa pag-amin ng 21 anyos na Pinay ay sinabing kinailangan niyang tulungan ang mga magulang sa kagipitan nito kasabay ang pangangakong ibabalik ang buong halaga ng kanyang kinuha sa employer.

 

KRISTO SA ATING MGA PUSO – Paggunita sa Semana Santa (Ikalawang bahagi)

KNIGHTS OF RIZAL sa Modena, nagdiwang ng ika-7 Anibersaryo