in

Pinay, sinaksak ng kasama sa apartment

Rome, Setyembre 20, 2012 – Isang Pilipino, 50 anyos, ang sumaksak sa isang Pilipina, 41 anyos sa Roma (zona Settecamini), sa Viale Francesco Caltagirone kaninang madaling araw.

Ayon sa mga  report, matapos mapatay ang Pinay na kasama sa apartment ay tumawag ang salarin sa 112 upang i-report ang krimen. Mabilis na tumugon ang awtoridad ng Stazione Settecamini at ng Compagnia di Tivoli at inaresto ang Pilipino.

Natagpuan ng awtoridad ang bangkay sa silid nito at sa away diumano nagsimula ang lahat. Gayunpaman, ayon sa mga unang report, ang dalawa ay walang relasyon at hindi rin magkamag-anak.

Kasalukuyang ang imbestigasyon sa mga kaganapan.  

 

Ika-limang araw ng regularization, 264 aplikasyon mula sa mga Pilipino

False declaration sa public official, hadlang sa Regularization?