in

Pinay, patay matapos mahulog mula ika-apat na palapag

Isang 54 anyos na Pinay ang namatay kaninang umaga matapos mahulog mula sa bintana ng ika-apat na palapag sa Milan.

Ayon sa mga ulat, bago mag alas 10 ng umaga ng ang colf ay nahulog mula sa ika-apat na palapag ng Via Cesare Battisti n. 2 sa Milan at nakitang nakahandusay ang katawan sa bangketa sa harapan ng bus stop at harapan mismo ng main entrance ng Tribunale di Milano.

Bagaman naging mabilis ang pagdating ng saklolo ay huli na upang maisalba ang buhay ng Pinay.

Ayon sa unang ulat ng mga awtoridad, ang Pinay ay naglilinis umano ng bintana ng bahay ng employer nito na naka-bakasyon sa kasalukuyan. Kaugnay nito, ay nakita pa ang hagdan at ang spray na panglinis ng awtoridad.

Ang Pinay ay may regular na employment contract bilang colf.

 

larawan: Milano Today

 

Disinfestation, gagawin sa Bologna dahil sa ika-limang kaso ng Dengue

Anak ni Marilou Reyes, darating sa Italya bukas