Pinay, kasabwat sa pagpasok ng iligal sa Italya para sa prostitusyon

17 ang inaresto at isinara ang 4 na night pubs at 3 recruitment agency matapos ang malaking operasyon. Napag-alamang isang Pinay ang kasabwat sa Pilipinas sa pagpapapasok ng iligal sa bansang Italya para sa prostitusyon.

Roma, Hulyo 20, 2012 – Halos isang buwan na ang nakakalipas matapos ang isang malaking operasyon sa mga rehiyon ng Abruzzo, Marche at Umbria. Ang mga awtoridad ng Comando Provinciale ng Aquila, Ascoli Piceno, Macerata, Perugia, Teramo at Terni, ay inaresto ang 17 napag-alamang ulo ng krimen matapos ilabas ang warrant of arrest laban sa mga ito bilang mga sindikatong nagpapapasok ng iligal mula sa mga bansa ng South America at Asya para sa prostitusyon. Isinara rin, sa ilalim ng ordinansa buhat sa G.I.P. ng L’Aquila, ang tatlong art and theatre agencies at 4 na night pubs na matatagpuan sa Aquila, Macerata, Ascoli Piceno at Treni.

Ang mga pagsisiyasat na ginawa ng Operations Department – Investigative Unit ay natuklasan ang sabwatan sa pagitan ng 4 na recruitment agency at 9 na pubs na simula pa noong 2010 sa Abruzzo at mayroong mga branches sa Lazio, Marche at Umbria. Ang mga ahenysa, sa pakikipag-uganayan sa ilang tanggapan, ay nagkakaroon, sa pamamagitan ng paggamit ng falsification of identitie,s ng sapat na dokumentsayon para sa entry visa ng mga dalagang buhat sa Cuba, Venezuela at maging buhat sa Pilipinas. Pagkatapos ay ang prostitusyon ng mga dalagita sa night pubs sa mga nabanggit na lugar.

Ayon sa report, sa pamamagitan ng tatlong naka house arrest ay nagkaroon ng masusing imbestigasyon at pinangalanang Nympha S., 56 anyos ng Maynila, ang kasabwat mula sa Pilipinas.