in

Pinay, binawian ng buhay sa aksidente

Isa ang patay habang isa naman ang nasa malubhang kalagayan matapos ang banggaan sa pagitan ng dalawang sasakyan kaninang umaga sa Pianfei, Piemonte.

Kinilala ang nasawi na si Corazon Castillejo, 38 anyos at residente sa nasabing rehiyon habang kritikal naman ang driver ng Audi, 43 anyos.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, posibleng nawalan ng kontrol ang sinasakyan ng Pilipina dahil na rin sa makapal na yelo sa lugar, kaya biglang lumiko ng kaliwa at bumangga sa kasalubong na sasakyan, isang Audi at hindi naiwasan ang aksidente.

Binawian ng buhay ang Pilipina at naiwang ulila ang asawang si Alberto at ang dalwang anak na sina Isabel, 16 anyos at si Roberta.

Ang Pilipina ay 25 taong nagtrabaho sa kumpanya ng “Fratelli Castellino” ng Villanova Mondovì,kung saan patungo nang maganap ang aksidente.

 

Forms para kumpirmahin ang multi-annual permits ng seasonal workers, online na

Alkalde ng Brescia sa ika-pitong pagkabigo sa bonus bebè