in

PHOTOSHOW 2014

Roma, Hulyo 7, 2014 – Sa pangunguna ng AFMAR Associazione dei Filippini in Musica e Arte a Roma at kolaborasyon ng PPCR Pinoy Photographers Club in Rome ay ginanap ang kauna-unahang PHOTOSHOW dito sa Roma nitong Hunyo.

May kabuuang bilang ng 169 ang mga entries ang naglaban-laban sa 5 catogories: street photography, macro, open, portrait at landscape.

Sa maikling pagbalik tanaw ni Fr. Morrel Querikiol, ang founder ng PPCR, ay sinabing malaki ang naitulong ng social network sa paglaki ng grupo. Kasabay ng pagdami ng mga miyembro na dapat sana’y taga-Roma lamang, ay nagkaroon na rin ng mga miyembrong buhat sa ibang rehiyon ng Italya at maging ibang bansa. Sa katunayan, sa kasalukyyan ay umabot na sa 1566 ang mga miyembro nito.  Naging mabilis din ang artistic development ng mga miyembro. Salamat sa mga workshops at photowalk ng grupo. Nag-imbita rin ng mga professional photographer upang makatulong sa patuloy na pag-aaral ng mga ito. Sa katunayan, marami na sa grupo ang nagbibigay serbisyo sa mahahalagang okasyon tulad ng kasal, binyag at iba pang okasyon.

Naging pagkakataon rin ito upang magkaroon ang mga miyembro ng extra income, bukod sa pagiging passion”, dagdag pa ni Fr. Morrel.

Ayon sa mga hurado na sina Stefano Romano at Claudio Salviano, hindi naging madali para sa kanila ang pumili dahil lahat ng sumali ay mahuhusay ang subject at magagaling at tila propesyunal na. Sa katunayan, mahaba-habang oras ang iginugol ng mga ito upang makasigurado sa pagpili ng mga magwawagi.

Bukod dito, angkop na angkop ang venue sa photoshow. Naging  sapat ang liwanag na hatid ng mga salamin na lalong nagpatingkad sa husay ng mga entries.

Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan ng araw na iyon ay ganoon din katindi ang hirap sa patimpalak. At upang bumaba ang tensyon, ilang banda tulad ng Sinagtala band, Feedback band at Vintage Assassin ang inanyayahang magbigay ng awitin at musika sa mga dumalong panauhin at mga partesipante sa contest. Naging panauhin rin ang CH Crew dancer, si Claudine Bergantinos at ang mga bulilit ng Little Filipino/Filipina models.

Ang mga nagwagi ay ang sumusunod:

STREET PHOTOGRAPHY

1ST-EMERSON JOEY CLARO

2ND-VONZ SOLIS

3RD-ELY CRIS DALA

MACRO

1ST-VONZ SOLIS

2ND-RHEYMAR MAGSINO

3RD-KEAN AQUINO

OPEN CATEGORY

1ST-JOHN GERVACIO

2ND-BUSHE DELA CUESTA

3RD-ELMER ALCAYDE

PORTRAIT

1ST-EMEL GONZALES

2ND-AURTENCIANO MIRANDA JR

3RD-RHEYMAR MAGSINO

LANDSCAPE

1ST – DANIELE SERAFINI

2ND-JOHN GERVACIO

3RD-MICHAEL VILLARUZ

Para sa karagdagang mga larawan, i click lamang ang link.

 

REYMOND DAVE DEL ROSARIO at ANGELICA GAVINA – Mr. And Miss Bikini 2014

TUMBANG PRESO