Petsa ng Consular Outreach Mission, itinama ng PE Rome

Isang pagtatamang anunsyo ang mabilis na ipinalabas ng Embahada ng Pilipinas sa Roma ukol sa petsa ng Consular Outreach Mission sa Empoli.

Rome, Enero 22, 2015 – Mabilis na itinama sa pamamagitan ng ikalawang anunsyo ang petsa ng mga outreach mission ng Embahada. Sa anunsyo ay makikitang April 11 & 12 ang consular outreach sa Catania. Samantala, April 18 & 19 naman ang sa Empoli at may karagdagang outreach mission sa September 19 & 20 sa Florence.

Ayon kay Vice Consul Marge Malang ng PE Rome sa kanyang tugon sa akoaypilipino.eu; “The schedule was recently moved a week later in view of the Easter Holidays”.

Matatandaang naunang inilathala ng akoaypilipino.eu ang petsa ng April 11 & 12 ng counsular outreach mission sa Empoli. Lubha itong ikinabahala ng mga Pilipinong residente sa nabanggit na lugar partikular ang Fea Empoli (o Filipino European Association) dahil na rin sa pakikipag tulungan ng nasabing grupo sa mga organizers ng outreach.

Isang paumanhin ang ipinapaabot ng mga opisyales ng Embahada at ng akoaypilipino.eu sa anumang inihatid na abala nito at inaasahan po ang pang-unawa  ng lahat.

Ikalawang anunsyo ng Embahada