in

Nagtutulak upang buhayin ang pamilya – Pinoy arestado

Sa apartment ay natagpuan ng awtoridad ang pinagbabawal na gamot, aluminum foil, gunting at timbangan.

Bologna – Marso 25, 2013 – “Nagtutulak” upang buhayin ang pamilya. Ito ang idinahilan ng isang 33 anyos na Pilipino sa awtoridad matapos matagpuan ang pitong pack ng kilalang  ‘shaboo’ sa loob ng apartment nito.

Inaresto ilang araw lamang ang nakalilipas, kasama ang isa pang Pilipino, 42 anyos matapos ang ginawang raid sa apartment sa Borgo Panigale.

Ayon sa mga report, pinaghinalaan ng awtoridad ang paglabas ng tahanan at ‘abutan’ ng dalawa.

Isang tanggapan para sa sa ikalawang henerasyon, bubuksan sa Milan

Mag-aaral na mayroong foreign citizenship, patuloy ang pagdami