in

Nagpakamatay matapos patayin ang anak

Ang asawa ay may saksak sa likod at ang anak na 20 anyos ay may saksak sa tiyan. 
 

Milan, Oktubre 20, 2018 – Isang nakakapangilabot na trahedya ang naganap nitong nakaraang Sabado sa isang pamilyang Pilipino sa Milan. Madaling araw nitong Sabado, sa largo Caccia Dominioni ay nagpakamatay si Rowell Alvarez, Pilipino 43 anyos, matapos patayin ang anak nitong lalaki na16 anyos at saksakin ang asawa at isa pang anak na babae na 20 anyos. 
 
Ang 48 anyos na asawa ang tumawag sa pulis at humingi ng saklolo matapos magtamo ng ilang saksak sa likod. Ayon sa mga report, malayo sa peligro ang kanyang buhay at kasalukuyang nasa  Fatebenefratelli sa Milan kung saan siya isinugod. Ngunit nasa malalang kundisyon naman ang anak na babae matapos magtamo ng saksak sa tiyan. Kasalukuyang nasa Humanitas di Rozzano kung saan dumaan sa maselang operasyon. 

 
Ayon sa mga pulis, nakaka-pangilabot umano ang mga kaganapan na kanilang inabutan. Nakahandusay ang bangkay ng ama sa kama at hawak-hawak pa ang patalim na nakatusok sa kanyang leeg. Samantala, sa sahig naman ang bangkay ng anak na lalaki.
 
Si Rowell Alvarez ay lumabas ng bilangguan nitong Enero 30, 2014 sa kasong pagpatay sa isang Moroccan noong Enero 6, 2005.

 

1 million euros naipon dahil sa pagpapautang, kumpiskado

Anunsyo ng Servizio Civile, bukas din maging sa mga kabataang dayuhan