Mga batikang artista, nasa Roma

altRome – Patuloy ang pagkalat ng mga pictures sa social network ng mga batikang artista sa Roma mula pa nitong nakaraang Sabado hanggang ngayon araw ng Lunes. Kabilang sina Coco Martin, Dawn Zulueta, Piolo Pascual at Christopher de Leon na namamataan ng mga Filipino sa Roma.

Maligaya naman ang mga ofws na nakakadaop-palad ng mga kilala sa larangan ng pelikulang Pinoy. Mula sa kanilang shooting, pananamasyal sa itinuturing na ‘Eternal City of the World’, maging sa kanilang pagso-shopping sa mga pinaka kilalang boutique sa Italya.

altIsang maligayang pagdating sa inyong lahat at salamat sa emosyong inyong patuloy na inihahatid sa tahanan ng bawat Filipino na malayo sa Inang bayan at maging sa mga pamilya sa tuwing matutunghayan ang pelikulang tagalog na tanda ng kulturang Pinoy.