in

Kabataang Pinoy, inagawan ng cellular phone

Milan – Enero 24, 2013 – Isang Pilipino, 14 anyos, ang inagawan ng cellular phone ng isang Romanian noong nakaraang Lunes bandang alas 9 ng gabi.

Ayon sa mga report, kasama ni Mustafa K., 25 anyos ang kasabwat nito, ay binugbog ang 14 anyos na Pinoy matapos agawin ang cellular phone ng biktima.

Mabilis na tumakas ang snatcher at hinabol ng Pilipino kasama ang kaibigan nitong Chines, 15 anyos, papuntang Central station.

Sa kasamaang palad, ay hindi kaagad nakatawid ang Romanian at nahagip ng parating na regional train Milan-Turin at binawian ng buhay.

Mabilis namang nakatakas ang kasabwat ng Romanian. Samantala, nahinto ang sirkulasyon ng tren sa loob ng isang oras.

Malamig na panahon sa Maynila, dulot ng Amihan

Enrollment ng anak ng mga undocumented, isusumite sa paaralan