Instant yaman, matapos mapanalunan ang isang milyon

Maaaring isang Pilipina ang nakaswerte sa isang milyong euro kamakailan.

Catanzaro, Enero 28, 2013  – Isang milyong euro. Ganito kalaki ang halagang pinanalunan ng isang Pilipina, matapos bumili ng Gratta e vinci card na nagkakahalaga ng 5 euro sa Piazza Roma. Ayon sa kwento ng mga nakasaksi, hindi diumano naitago ng Pilipina ang tuwa matapos matuklasan ang pagkapanalo ng isang milyon.

Bukod sa salaysay na ito ay walang anumang abiso sa pagkapanalo ng Pilipina sa binalan ng winning card, tulad ng kadalasang natutunghayan matapos ang anunsyo buhat sa binalan ng card ng pagkapanalo.

Ngunit ayon sa isang nagtatrabaho sa ricevitoria sa harapan ng Piazza Le Pera, na karaniwang puntahan at taguan ng mga Pilipino, ito diumano ang bulong-bulungan na nagku-kumpirma sa pagkapanalo ng isang Pinay ng isang milyong euro.