in

Global Filipino Card Europe, tugon ng PNB sa pangangailangan ng mga OFWs sa Italya

Natugunan na ng PNB ang malaking problema ng ating maraming mga kababayan na magkaroon ng account na may International Bank Account Number o IBAN sa pamamagitan ng GLOBAL FILIPINO EUROPE CARD. 

Ang nasabing international card ay maaaring gamitin sa pagsasagawa ng mga cross boarder payments. 

Ang PNB Global Filipino Europe ay isang prepaid reloadable ATM MasterCard na pwedeng gamitin upang i-credit ang inyong mga sweldo, pension, tseke ng assegno familiare, tseke ng maternity at iba pa.  Pwede rin itong gamitin upang magsagawa ng cash withdrawal kahit saan mang ATM machines sa buong Italya, buong Europa o maging worldwide pa.  Ito ay maaari ding magamit pang-shopping man o pang-dining sa buong mundo.

Para sa iba mga pang karagdagang impormasyon, magsadya sa tanggapan ng PNB Italy, SpA sa Piazza dell’Indipendenza, 8.  Maaari din kayong tumawag sa 06.4827830 o 06.4827841. (Ako Ay Pilipino)

Mga Pinoy biktima ng scammer, illegal recruiter at swindler

Sam Milby sa YOG 2010