Ginang Pilipinas-Italia 2014, malapit na!

Roma – Ang Ginang Pilipinas-Italia 2014 ay muling nagbabalik matapos ang matagumpay na unang edisyon nito noong 2013.
 
Muling magpapakita ng natatanging kagandahan at talento ang 20 Ginangs sa isang partikular na patimpalak sa Roma. 
 
Sa nalalapit na November 23 ay inaanyayahan ang lahat na minsan pa’y tunghayan ang mga Ilaw ng Tahanan – hindi sa kanilang karaniwang ginagampanan sa buhay bilang asawa o anak ngunit bilang mga Beauty Queens hindi lamang ng ating mga tahanan bagkus ng ating mga buhay!!!

 
Sina Analyn Marteja, Gloria Manongsong, Crescel dela Cruz, Maria Goretti Atinaja, Gaudinez Garbin, Larrizel Bercilla, Rebecca Ramos, Delia Velasco, Teresita Tabelino, Felicitas Venturina, Rosemarie Carrao, Lilibeth Marasigan, Marilyn Bona, Emilie Bejo, Elma Garing, Jeneet Wate, Felicita dela Rosa, Flordeliza dela Cruz, Emma Alvarez, Nely Meer ang mga rarampa sa isa sa pinaka mahalagang gabi ng kanilang buhay!