in

Filipino seaman, patay matapos mahulog sa barko sa Livorno

Isang miyembro ng crew ng isang barkong nakadaong sa Livorno ang binawian ng buhay matapos itong mahulog mula sa pinagtatrabahuhang barko.

Ang cruise ship na may pangalang Vision of the Seas ay kasalukuyang nakadaong sa Molo 47 sa Livorno port nang mangyari ang insidente.

Ayon sa nakasaksi sa pangyayari, nagtatrabaho umano ang pinoy sa walls ng cruise ship nang sa hindi pa malinaw na kadahilanan ay nahulog ito sa tubig.

Mabilis ang pagkawala nito sa kanyang paningin at nagtawag agad ng saklolo bandang alas 11.45 ng umaga, araw ng Huwebes, ika-5 ng setyembre. Agad ang pagpapadala ng mga rescue teams at scuba divers ng 118 ngunit hindi agad nakita ang katawan ng biktima.

Ilang oras din ang nakalipas bago natagpuan ang bangkay ng 26-anyos na biktima.

Patuloy naman ang pagiimbestiga ng mga awtoridad upang malaman kung nagkulang ang kumpanya sa mga security measures ng kanilang mga tripulante.

Quintin Kentz Cavite Jr.

photo courtesy: VVF Livorno

Bagong batas sa Imigrasyon, haharapin ng Conte-bis

Renewal ng permesso di soggiorno, ipagkakait sa mga mag-aaral na huminto sa kurso