in

FilCom Parma, May Bagong Presidente

Iprinoklama bilang bagong presidente ng Filipino Community of Parma and Provinces (FilCom Parma) si Augustino Lopez Estanislao kamakailan.

Sa ginanap na simpleng turnover ceremony, taos-pusong ipinasa ni outgoing president Melchor Balba ang katungkulan bilang bagong presidente kay Estanislao.

Ayon kay Balba, hangad niya ang tagumpay at kaayusan ng komunidad. Ipinabatid din niya ang kanyang kooperasyon at tulong sa bagong pamunuan.

Ipinangako naman ni Estanislao ang magandang pagbabago na magaganap sa komunidad. Ayon pa kay Estanislao, nasa puso niya ang dedikasyon na tumulong mula pa nang bata siya, at ito umano ang nagtulak sa kanya upang hangarin ang posisyon ng pagka-presidente. Nais umano niyang magkaroon ng pagbabago kaya nanawagan din siya sa buong miembro ng komunidad na samahan siya at magkapit-kamay upang itaguyod ang FilCom Parma bilang isang pamilyang matagumpay.

Marivic Aquino

 

Ang Stress o Tensiyon at ilang paraan na maiwasan ito

Welcome Day International Students, Pagsalubong ng Bologna