in

Family Day sa San Vittorino, sa October 10 na!

Matatandaan isang taon na ang nakakalipas, masaya at matagumpay na naidaos ang ika-6 na selebrasyon ng Family Day sa “Our Lady of Fatima” sa San Vittorino kahit ang panahon noon ay mahangin at may konting kalamigan.

 

Sa taong ito, muling inorganisa ng Sentro Pilipino Chaplaincy sa pangunguna ni Father Romy Velos ang Family Day, ang ika-7 taon na selebrasyon at ito’y gaganapin sa nakasanayng lugar sa San Vittorino. Tiyak na muling magsasama-sama ang bumubuo ng mga nagkakaisang komunidad sa Roma. Isasagawang muli ang sama-samang pagdarasal ng rosaryo na alay sa ating Mahal na Birhen, prosesyon at banal na misa.

 

Tulad pa rin ng nakagawian, pampamilyang picnic ang nakagawiang gawin sa tanghalian at kasunod nito’y isang palatuntunan na karaniwang pinagungunahan ng ating mga kabataan. Kasama na rin ang palaro na isa sa mga gawaing nagpapasigla sa araw na iyon.

 

Taglay ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan na ipinamamalas ng mga miyembro ng sambayanang katoliko sa Roma ang taunang selebrasyon ng Family Day.

 

 

Bagong Filipino Ambassador sa Italya, kumpirmado na sa posisyon

MIDDLE NAME SA DOKUMENTO NG MGA PILIPINO SA ITALYA, TATANGGALIN