in

Dinukutan ng wallet sa loob ng bus, isang Pinay hinimatay

Bologna – Abril 27, 2013 – Isang Pilipina, 25 anyos ang dinukutan ng wallet kahapon sa loob ng bus no. 11, bandang Via Aldini sa Bologna. Ang mandurukot, isang Tunisian, 24 anyos, ay inaresto ng awtoridad matapos habulin ng kasintahan ng Pilipina. 

Ayon sa report, sinabihan ng isa sa mga pasahero ang Pilipina na dinukot ang kanyang wallet. Mabilis ang naging reaksyon ng Pinay at nagpumilit na makuha ulit ito. Samantala, tatlong North Africans na naka-paligid sa Pinay ang pumigil at humablot sa kanya ng pwersahan, dahilan upang manghina at mawalan ng malay ang Pinay.
 
Nakatakas ang Tunisian na dala ang pera na mabilis namang hinabol ng kasintahan ng Pilipina. 
 

Maninisid na Pilipino sa pagtatanggal ng Costa Concordia, natagpuang patay

Mga Bagong Alituntunin sa Pagpapanatili ng Kalinisan sa Buong Firenze, ipinapatupad