in

Dalawang Pinoy pusher, arestado

altRoma, Hunyo 15, 2012 – Ayon sa website ng Roma.ogginotizie.it, inaresto kahapon ang dalawang Pinoy, isang 38 anyos at isang 51 anyos, ng mga Carabinieri sa Piazza Santa Maria Maggiore – Rome, matapos mahuling iniaabot sa akto ng mga pusher ang isang dosage ng shaboo sa kabataang kliyente nito.

Ang mga pusher ay kasalukuyang nasa ilalim ng judicial authority habang sekwestrado naman ang ipinagbabawal na gamot.

Ang kabataang kliyente naman ay kinilala at ini-report sa ufficio Territoriale del Governo bilang user. 

Family allowance (assegno familiare), narito ang bagong pamantayan sa sahod

Ang pagpapatala bilang residente o ang iscrizione anagrafica