in

Dalawang dalagita lumayas at nagtungo sa kasintahan, natagpuan ng awtoridad

Lodi – Pebrero 14, 2013 – Dalawang magkapatid na Pilipino, 14 at 15 anyos ang lumayas sa kanilang tahanan sa Lodi noong nakaraang linggo. Napag-alaman na ang magkapatid ay sumakay ng tren ng Lodi patungong Vigolzone kung saan ang nakakatandang kapatid ay mayroong kasintahan. Mabilis namang ini-reportng ama ang pagkawala ng mga anak  na menor de edad sa kinauukulan ng Lodi.
 
Matapos ang mga pagsusuri sa pagkawala ng dalawa ay napatunayan ang relasyon ng dalagita sa isang binatilyong taga Piacenza. Ipinagbigay alam sa mga awtoridad ng Pontedellolio ang mga pangyayari at mabilis naman pinuntahan ang bahay ng binata sa Vigolzone.
 
Walang natagpuan ang awtoridad ngunit bandang hapon kahapon isang tawag mula sa ina ng binatilyo ang natanggap ng awtoridad upang i-report ang pagdating diumano ng dalawang kaibigan ng anak na binatilyo sa kanilang tahanan. Ang dalawang menor de edad ay natagpuan at ibinalik sa mga magulang.

Mahal na mahal pa rin kita

Higit sa 800 partners, nagpalitan ng “I do” sa araw ng mga puso