Dalagang Pinay, tumalon mula sa first floor

Isang dalagang Pinay, bitbit ang bagahe ang nagtangkang lumayas ng tahanan at tumalon mula sa first floor, sugatan.

Milan, Pebrero 4, 2013 – Sugatan ang dalagang Pinay, 17 anyos, matapos magtangkang lumayas at tumalon mula sa first floor ng appartmanet na tinitirahan sa Via Paravia, Milan kamakailan.

Ayon sa kapatid ng dalaga, isang malakas na ingay diumano ang narinig nito mula sa silid ng kapatid at natagpuan mula sa terrace ng silid ang nakahandusay at walang malay na dalaga sa kalsada.

Mabilis na tumugon ang 118 upang isugod ang sugatan sa pinakamalapit na ospital, Humanitas, dahil sa tinamong injury nito.

Ayon sa mga report, ang dalagita diumano ay broken hearted at may dalang bagahe nang tumalon mula sa terrace ng kanyang silid. Bumukas ang bagaheng bitbit na naging sanhi ng pagkalat ng mga gamit at damit ng dalaga sa kalsada.