in

Binatang tumalon sa bintana, patay

Isang binatilyong Pinoy ang tumalon mula sa bintana ng building kung saan naninirahan.

Roma, Mayo 15, 2013- Ilang araw pa lamang ang nakakalipas matapos mapabalitang isang dalagita ang nagtangkang magpakamatay sa pagtalon mula ika-anim na palapag, isang binatilyo naman, M.G., 17 taong gulang ang tumalon mula sa bintana ng building kung saan naninirahan, sa pagitan ng ikatlo at ika-apat na palapag.

Ayon sa mga report, ang trahedya ay naganap bandang alas 9.30 ng gabi noong May 7, sa Via dei Campani, di kalayuan sa Via dei Marsi, San Lorenzo, Roma.

Ayon sa ilang nakasaksi na tumawag sa numero 113 upang humingi ng saklolo ay nakita diumano ang pagbagsak ng binata mula sa bintana. Sa kasamaang palad ay walang buhay na inabutan ng ambulansya ang Pilipino.

Isang nakapangingilabot na kaganapan na muli ay gumigising una sa mga magulang, ikalawa sa mga kinauukulan, sa matinding pangangailangan ng ikalawang henerasyon upang pahalagahan ang pinaka magandang regalo ng Maykapal, ang ating buhay…

Italian citizen din ba ang mga anak nang naging Italian citizen?

Pre-enrollment sa mga Embassies at Konsulado, hanggang June 21