in

Aubrey Miles, Troy Montero at Noel Gascon, naghatid saya sa Roma!

Rome alt– Sa pamamagitan ng Orbit Showtime Network at GMA 7 Pinoy TV, nakapiling ng mga Pilipino sa Roma ang mga natatanging pangalan sa larangan ng showbiz… sina Aubrey Miles, Troy Montero at Noel Gascon sa ginanap na selebrasyon ng ika-113 anibersaryo ng  Independence Day noong nakaraang Linggo June 12 sa Piazza Ankara.

Hinangaan ang gandang Pinay ni Aubrey Miles na naghandog ng mga awiting Pinoy sa ating mga kababayan. Tinilian naman ng husto ng mga kadalagahan si Troy Montero at tunay namang naging katawa-tawa ang komendyanteng si Noel Gascon. Tila naging napakabilis ng dalawang oras nilang ‘showtime’, kapiling ang ating mga local talents sa stage na nagpakita ng galing sa pagsayaw man at sa pagkanta.

“This is our first time here in Rome, at ang magbigay saya sa ating mga kababayang itinuturing na ‘modern heroes’ ay isang karangalan para sa aming tatlo”, ayon kay Aubrey sa isang interview para sa Ako ay Pilipino. “Isang mahalagang araw tulad ng selebrasyon ng Independence day sa eternal city of Rome, ay isa sa pinakamahalagang araw para sa akin”, dagdag pa ni Noel Gascon. “Hopefully makabalik kami here in Rome for a concert next year”, pagtatapos naman ni Troy Montero.

 

Anu-ano ang mga kailangang dokumento para sa verification at authentication ng Nulla Osta?

Mga pagbabago sa family allowance o assegno familiare