in

ASLI PUMIRMA NG KASUNDUAN SA CONSIGLIO REGIONALE TOSCANA

altNaging mainit ang pagtanggap ng mga kinatawan sa Consiglio Regionale di Toscana sa delagasyon ng Associazione Stranieri Lavoratori in Italia (o ASLI)  nang bumisita ang mga ito sa Pangulo ng Nostri Diritti Toscana Onlus na si Dott.ssa Daniela Vangieri. Layunin ng pagbisitang ito ay upang kausapin ng personal si Vangieri tungkol sa tulong na pag-imprenta ng “guidebook” para mga Pilipino.

Naging matagumpay ang opisyal na pagbisita ng mga kinatawan ng nasabing asosasyon sa pamamagitan ni Dr. Vladimiro Barberio, ang presidente ng Associazione Nazionale Italo-Filippino Diritti e Giustizia sa Florence na siyang tumulong upang mas mabilis na maisakatuparan ang proyekto.

Hindi naman nahirapan ang mga kinatawan ng asosasyon na sina Analiza Bueno Magsino at Ligaya Esclanda sa presentation ng proyektong guidebook. Ito ay dahil na rin sa tulong ni Ambassador Romeo Manalo na siyang naging daan upang makilala sina Dr. Barberio at Dott.ssa Vangieri.

Nangakong tutulong ang Consiglio Regionale di Toscana sa pag-imprenta ng mga libro na ipamimigay sa araw mismo ng Independence Day Celebration sa Piazza Ankara  Sa Roma.

Nakilala at nakapanayam ni Bueno nang araw ding iyon ang Presidente della Consiglio Regionale di Toscana na si AlbertoMonaci. Ikinalulugod umano ni Monaci ang magkaroon ng kolaborasyon ang kanyang pamunuan sa komunidad ng mga Pilipino.

Veneto FilCom Leaders create umbrella org Veneto FilCom Leaders create umbrella org

MGA PINOY SA ROMA, ISANG ARAW NG HUWEBES ….