in

55-anyos na Pilipina, patay habang tumatawid sa pedestrian lane sa Roma

Roma – Isa na namang Pilipina ang nagbuwis buhay matapos masagasaan ng isang Fiat Panda habang tumatawid sa kalsada kahapon ika-28 ng Hunyo sa Portonaccio.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng mga pulis na nakatalaga sa area kung saan nangyari ang aksidente, ang biktima ay tumatawid umano sa pedestrian lanes sa crossing ng Via Tiburtina at Via san Romano ng ito ay masagasaan ng isang rumaragasang Fiat Panda na minamaneho ng isang 20 anyos na babae mga bandang alas 11.30 ng umaga. Malakas ang impact ng pagkakabangga at tumilapon ang biktima ng mga ilang metro bago ito bumagsak ng walang malay sa asfalto.

 Dahil sa maraming tawag sa 118 ng mga nakasaksi sa malagim na pangyayari, agad na rumisponde ang isang ambulance at rescue team na agad na nagsugod sa biktima sa ospital ng Policlinico Umberto I. Pero dahil na rin sa malubha at matinding injuries na tinamo ng biktima, ito ay binawian din ng buhay makalipas ang halos tatlong oras sa ospital.

 Nasequester ang sasakyan na nakasagasa at ang driver naman ay sumasailalim sa mas masusing imbestigasyon kabilang na dito ang alcohol at drug test at sinampahan ito ng kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Quintin Kentz Cavite Jr.

Permit to Stay, papawalang bisa o tatangihan ang releasing dahil sa pagkakasangkot sa droga – Council of State

Mas maraming regular na imigrante upang matugunan ang pagbibigay ng pensyon sa bansa