in

3 Pinoy, sangkot sa ‘bukas-kotse gang’

Isang grupo ng ‘bukas kotse gang’ inaresto ng awtoridad kamakailan sa Viale Pinturicchio, sa Flaminio Rome.

Ayon sa report, inaresto ang 23 at 48 anyos na Sri Lankans at tatlong Pilipino, dalawang menor de edad, 15, 16 anyos at isang 18 anyos.

Isang residente ang nakapansin sa kahina-hinalang ikinikilos ng lima habang paikot-ikot sa parking space ng nabanggit na lugar at mabilis na ini-report ito sa awtoridad.

Sa kabila ng mabilis na pag-risponde ng pulisya ay naka-limang biktimang kotse ang bukas-kotse gang.  

Nakatakas ang lima ngunit nahuli naman agad ng awtoridad. 

Kasalukuyang nasa Juvenile Justice Centre sa Via Agnelli ang mga menor de edad na Pinoy at habang ang iba pang tatlo ay nasa caserma. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Gobyerno, inaprubahan ang bagong alituntunin para sa mga interpreters at translators

PAGBABAGO