in

29-anyos na Pinay, nabundol habang tumatawid ng kalsada sa Roma

Isang 29-anyos na Pinay ang nabundol ng isang kotse na minamaneho ng isang 21-anyos na babaeng italyana.

Ayos sa report, pasado alas dose ng hatinggabi, Miyerkules  nang mangyari ang aksidente sa zona ng Tuscolana, via Tuscolana n. 1359, malapit sa via Muro Linari, Roma.

Agad namang sumaklolo at tumawag ng rescue ang nakabangga.

Mabilis ang naging tugon ng 118 at isinugod ang biktima sa pinakamalapit na ospital “in codice rosso”.

Nagsasagawa ang mga pulis ng grupo Prenestino ng mas masusing imbestigasyon upang malinawan ang pangyayari.

Samantala sumailalim sa iba’t-ibang pagsusuri ang nagmamaneho ng ford KA upang malaman kung nasa impluwensya ng alak o ipinagbabawal na gamot ang nasabing driver.

Nasa tamang tawiran ang biktima. May pedestrian lanes sa kahabaan ng kalsada at may “flashing traffic lights” ngunit ang biktima ay tumilampon ng ilang metro, patunay na mabilis ang patakbo ng drayber.

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang biktima at kasalukuyang nakaconfine sa Policlinico di Tor Vergata sa Roma.

Quintin Kentz Cavite Jr.

 

1090 non-European Athletes, makakapasok sa Italya para sa Championship 2019-2020

Suspek na Pinoy sa pagpatay sa isang “tabaccaia”, arestado