in

2 Pinoy, huli dahil sa shaboo

Roma, Nob 16, 2012 – Dalawang drug pushers na Pilipino ang inaresto noong nakaraang linggo sa Via Pollenza, San Basilio (Rm).

Ang kahina-hinalang abutan at palitan sa pagitan ng dalawang Pinoy ang nagtulak sa nagpa-patrol na mga pulis na subaybayan ang dalawa sa nabanggit na lugar. Napansin diumano ng mga Pinoy ang pagdating ng patrol na naging daan sa mabilis na pagtakas ng mga ito sakay ng isang motor bicycle. Hinabol at inabutan ng awtoridad sina M.R.E. at M.R., 33 at 32 anyos. Nahulihan ang dalawa ng 10 gramo ng kilalang shaboo.

Natagpuan din ang 1,000 euro cash sa dalawang Pinoy, na pinaghihinalaang buhat sa pagbebenta ng pinagbabawal na gamot. Bukod dito, ang isa sa dalawang nahuli ay may dala-dala pang timbangan.

Ang dalawang Pilipino ay kabilang sa 6 na inaresto noong nakaraang linggo – 1 Roman pusher, 3 holdaper  (1 Egyptian, 1 Italian, 1 Moroccan) 

Pinoy inaresto, nagnakaw ng bisikleta

Guisadong Repolyo