in

2 patalim at ilang gramo ng shabu, nakita sa sasakyan ng Pinoy

Isang 49 anyos na Pinoy, residente sa Parma ang nakitaan ng dalawang patalim at ilang gramo ng shabu sa loob ng sasakyan nito.

Ayon sa report ay iniwan umano ng Pinoy na mali ang parking ng sasakyan nito at nakasagabal sa daanan ng publiko. Dahilan upang tumawag ang ilang residente sa awtoridad bandang alas 2 ng hatinggabi ng April 16.

Sinekwestro ang sasakyan dahil sa nakita ng awtoridad na 2 patalim at ilang gramo ng shabu.

Kinasuhan ang Pinoy ng illegal possession of firearm at illegal possession of prohibited drugs.

Dakilang Paggunita sa Semana Santa ng mga Ofw sa Italya

RGI ALAKDAN Blue Falcon Bowling Springtime Edition, tagumpay sa Lucca