in

14 anyos na Pinay, tumalon mula sa 6th floor

Roma – Abril 17, 2013 – Isang Pinay na 14 anyos, residente sa Via Eurialo, sa Appio Roma, ang nagtangkang mag-suicide ilang araw lamang ang nakakalipas at tumalon mula sa bintana ng kanyang silid. 

Ayon sa mga report, ang dalagita ay gumising ng madaling araw, naghanda at nagbihis tulad ng kanyang ginagawa sa araw-araw bago pumasok sa eskwela ngunit hindi naglagay ng sapatos. Binuksan ang bintana ng kanyang silid na matatagpuan sa 6th floor at tumalon ng walang anumang ingay.
 
Samantala, isang liham sa wikang tagalog ang iniwan ng dalagita kung saan humihingi ng paumanhin sa mga magulang.
 
Kasalukuyang nasa malubhang kalagayan ang dalagita sa San Giovanni Hospital.
 
Ang mga magulang ay sumasailalim sa ilang mga katanungan buhat sa awtoridad.
 

Commemorative stamp at bilateral agreement, inilunsad ng Poste Italiane at Phil Post

Mga reject sa Regularization, dahil sa patunay ng pananatili sa Italya