1 kabataang Pinoy, nahuli sa pagnanakaw ng backpack

Hindi lamang para mag swimming kundi para rin magnakaw.

Roma, Setyembre 5, 2012 – Ito ang naging layunin ng isang kabataang Pinoy na nagtungo sa isa sa mga paboritong lugar ng mga Pilipino tuwing  tag-init sa Roma, ang ‘Hydromania’ na matatgpuan sa Via di Casal Lumbroso, ilang araw lamang ang nakakalipas.

Ang Pinoy, sa pamamagitan ng videocamera ay nahuli sa pagnanakaw ng isang backpack na pagmamay-ari ng isa ring suki ng swimming pool. Ang zaino ay nagtataglay ng 2 cell phones at ilang daang euros.

Ayon sa mga report, ang kabataang Pinoy ay walang takot na lumalayo ng pool matapos nitong nakawin ang backpack. Mabilis namang inaretso ang Pinoy at kinilala sa pinakamalapit na police station at doon ay sinampahan ng kaso.