in

ZENDRYLL, magbabalik sa Io Canto

altMuli nating matutunghayan si Zendryll Lagrana sa Christmas Edition ng Io Canto bukas Huwebes ika-22 ng Disyembre, alas 10.00 ng gabi. Matatandaang si Zendryll ay nanalo sa patimpalak ng Io Canto ilang taon na ang nakakaraan. Noong nakaraang taon naman ay inilabas ang kanyang first single na Bring me Over.

Nagbabalik si Zendryll lakip ang malaking panawagan sa libu libong mga Filipino sa Italya. Sa susunod na Linggo ay gagawin ni Zendryll ang video ng kanyang awitin, ia-upload ang nasabing video sa website ng Rai kung saan ang lahat ay inaanyayahang abangan at bumoto ng kanyang awitin. Nakasalalay sa libu-libong boto ng mga Filipino ang pagkakataon para sa isang kabataang Filipina tulad ni Zendryll Lagrana ang ipakilala ang galing ng mga Filipino sa larangan ng pag-awit sa nalalapit na kumpetisyon ng mga kompositor at mang-aawit sa Ariston Theatre San Remo.

Pansamantala, inaanyayahan ang lahat na panoorin ang pagbabalik ni Zendryll bilang guest sa Io Canto Christmas Edition at suportahan ang nalalapit na paglabas ng kanyang video.

On line ang black list ng mga tumutulong sa mga dayuhan

MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA HEPATITIS A, B at C