in

Camille Joanne Manalo, ang Miss Mundialido Philippines 2014

Roma, Mayo 21, 2014 – Sa 11 mga dalagang Pinay na naglaban-laban, nasungkit ni Camille Joanne Manalo ang korona bilang Miss Mundialido Philippines 2014. Hinirang na 1rst Runner up si Marynoll Depaor at 2nd Runner up naman si Kim Paulene Sogoni.  

Ang Miss Mundialido Philippines 2014 ay isinagawa noong Mayo 11, 2014 sa pangunguna  ng Deusfratres Onlus. Layunin ng paligsahan ang ihirang ang kinatawanin ng ating bansa sa Mayo 25, 2014 laban sa magagandang kinatawang dilag ng 23 kasaling bansa.

Maraming dumalo at nakiisa sa araw ng ‘search’. Si Benette Ramirez, ang Executive Coordinator ng tanghalan.  Sina Aileen Joy Rabara at Etchie Ferrer naman ang mga naging co-hosts. Bukod sa mga sponsors ng pagdiriwang ay dumalo rin ang kinatawan buhat sa Embahada ng Pilipinas, Vice Consul Marge Malang. Nakiisa rin ang mga panauhing pandangal na sina Abegail Reyes, Philip Fuentes, Michael Caputol, Mrs. Sabalvaro at Arwin Sawali.

Bilang paghahanda, isang pictorial services buhat sa PPCRPinoy Photographers Club in Rome ang ginanap. Ito ay upang ilantad ang kagandahan ng bawat kalahok na sina Julia Sawali, Kim Pauline Sogoni, Syria Jane Lai, Camille Joanne Manalo, Marynoll Depaor, Katelyn San Jose, KC Henson, Princess Ellah Hernandez, Zairine Cipriano Seno, Sharmine Domingo at Elealeh Rivera. (ulat at larawan ni Etchie Ferrer)

THE ASIA PACIFIC GROUP OF THE UNITED NATIONS WOMEN’S GUILD REMEMBERS THE TYPHOON HAIYAN VICTIMS

Danilo Bansagale – Grand Winner ng Ginoong Pilipinas-Italia 2014