2 Kabataang Pinoy sa Italya, humakot ng award sa Int’l Best Male & Female Model World 2015

Humakot ng mga parangal sina Paulo Noces, mula Roma at Roselyn Ugay, mula Turin sa ginanap na International Best Male & Female Model World 2015 sa Costa Blanca Spain. 

 

Roma, Disyembre 7, 2015 – Dalawang kabataan buhat sa Italya (Roma at Turin) ang nagwagi ng maraming awards sa ginanap na International competition nitong Nobyembre, ang International Best Male & Female Model World 2015.

Si Paulo Noces, 23 taong gulang, tubong Calamba Laguna, lumaki sa Roma at kasalukuyang nagta-trabaho sa isang restaurant sa Milan. At si Roselyn Ugay, 20 taong gulang, tubong Rosario La Union at ilang taon pa lamang sa Turin Italya.

Ang nasabing competition, na ginanap sa Costa Blanca Spain ay nilahukan ng maraming bansa tulad ng Brazil, Nigeria, Armenia, Romania, Spain, Switzerland at iba pa at umabot sa halos 20 candidates ang mga naglaban-laban.

Inuwi sa Roma ni Paulo, ang Mr. Philippines, ang titolo ng International Best Male Model World 2015 2nd Runner up. Bukod pa sa mga special awards na kanyang natanggap tulad ng Best Catwalk, Best National Costume at Best Internet Popular. Samantala inuwi naman ni Roselyn, ang Ms. Philippines, ang International Best Female Model World 2015 1st Runner up at mga special awards tulad ng Best in National Costume, Miss Caffè diemme at Ms. Internet Popular.

 

 

Ayon sa dalawang kabataan, bago sila tuluyang sumabak sa patimpalak ay nagkaroon ang mga candidates ng mga trainings, fashion shows at mga photo shoots kung saan marami ang kanilang natutunan at naging bagong mga karanasan kasama ang ibang mga candidates. 

E’ la prima volta che partecipo in un Concorso Internazionale ed è stata una grande emozione partecipare“, kwento ni Paulo. “In this competition, I’ve got the chance to meet other models from different countries with whom I was able to share my talents and skills. I was able to overcome my shyness, gain more self-confidence and develop my communication skills”, masayang kwento naman ni Roselyn.

Kailan at paano kayo nagsimulang lumahok sa mga pageant? 

Nagsimula ang lahat ng ako ay lumahok sa Mr. Bachelor 2014. Dito ko nadiskubre ang passion ko sa ‘moda’Noong January 2015, ako ay nagbakasyon sa Pilipinas. Sa pamimilit at tulong ng aking mga kaibigan ay nakasali ako sa isang national competition na Mister Republic of the Philippines 2015, kung saan 30 ang aking nakalaban mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Hindi ko inaasahan na ako ang mananalo ng second place at natanggap ko rin ang Total Image award. Sa competition na ito ay ako ang napiling maging representative ng Philippines para sa Mister International Best Model World 2015. Pagkatapos ng mga unforgettable experience na ito ay nakatanggap naman ako ng isang phone call buhat sa isang kilalang clothing brand para maging kanilang model sa susunod na buwan. Ito ay isa sa pinaka magandang oportunidad sa aking buhay. Sa lahat ng mga bagong karanasang ito ay marami akong natutunan lalo na ang huwag tumigil na subukan at magpursigi hanggang maabot ang iyong mga pangarap“, kwento ni Paulo.

Samantala para kay Roselyn: “Sa ngayon ay modeling at singing career ang aking focus. Ako ay nagsimula noong high school kung saan natanggap ko ang mga unang titolo sa buhay ko: Miss Intramurals & Best in talent (2010); Best in Swimsuit, Ms. Photogenic at Binibining Rosario 2nd runner up (2012); Miss Philippines Bodyshots-Italy Grand winner, Best in Swimsuit, Ms body beautiful & Ms Megaworld sa Milan (2013); New Model today Grand winner Lombardia Region (2014); one of the Top 12 International competition sa Riccione,Italy; one of the Top 5 in Fashion Modelling Rome at Best Model of Europe (Philippine edition) Grand winner and 2nd runner up winner sa ginanap na international competition sa Barcelona Spain. At isa po sa pinaka-mahalagang titolo na natanggap ko ay ang isa ako sa Top 12 finalists ng Miss Mondo Italia nitong 2015“.

 

PGA