in

Required salary para sa family reunification process sa taong 2019

Ang sinumang kumikita ng itinakdang halaga ay maaaring kunin ang asawa, anak at magulang para manirahan sa Italya. Narito ang required salary para sa ricongiungimento familiare o family reunification process ngayong 2019.

Asawa, anak, magulang at civil partner. Sila ang mga miyembro ng pamilya na maaaring papuntahin sa Italya sa pamamagitan ng family reunification process, sa kundisyong may angkop na tahanan kung saan maninirahan at sapat na sahod na makakatugon sa lahat ng pangangailangan.

Partikular, ayon sa Batas sa Imigrasyon o Testo Unico sul’Immigrazione, ay kinakailangan ang pagkakaroon ng required salary, buhat sa legal na paraan, na hindi bababa sa halaga ng social allowance o assegno sociale at nadadagdagan ng kalahati ng halaga nito para sa bawat miyembro ng pamilya na pipitisyunin.

Gayunpaman ay mayroong exemption: “Para sa family reunification ng dalawa o higit pang anak na mas bata sa 14 anyos ay kinakailangan na ang sahod ay hindi bababa sa doble ng halaga ng assegno sociale”. At mayroong ding pagpapagaan dahil sa kalkulasyon ay isinasaalang-alang, bukod sa sahod ng aplikante, ang kabuuang sahod ng mga miyembro ng pamilyang kapisan o kasama sa tahanan o convivienti. Ito ang tinatawag na ‘reddito nucleo familiare

Ang kalkulasyon ng kabuuang sahod ay tulad ng sa required salary sa pag-aaplay ng permesso CE per lungo soggiornanti.

Ang batayang halaga ay nananatiling ang halaga ng assegno sociale, at sa taong 2019 ay € 5954.00 ayon sa Inps.

Narito ang required salary sa pag-aaplay ng family reunification.

Family reunification para sa 1 miyembro ng pamilya (kahit mas bata sa 14 anyos): € 8931.00

Para sa 2 miyembro ng pamilya (kahit ang isa sa mga miyembro ay mas bata sa 14 anyos): 

€ 11908.00

Para sa 3 miyembro ng pamilya (kahit ang isa sa mga miyembro ay mas bata sa 14 anyos): € 14885.00

Para sa 4 na miyembro ng pamilya (kahit ang isa sa mga miyembro ay mas bata sa 14 anyos): € 17862.00

Para sa 5 miyembro ng pamilya (kahit ang isa sa mga miyembro ay mas bata sa 14 anyos):

€ 20839.00

Para sa 6 na miyembro ng pamilya (kahit ang isa sa mga miyembro ay mas bata sa 14 anyos): € 23816.00

Para sa 2 o higit pang bilang ng anak na mas bata sa 14 anyos: € 11908.00.

Bukod sa mga menor ng 14 anyos na pipitisyunin, ay idadagdag sa bawat miyembro ang halagang € 2977.00.

 

Pinoy at shabu, patuloy ang kabanata sa Lucca

Turistang Pinay na nahagip ng tren, kritikal