in

Pag-aaplay ng Assegni Familiari, ang Gabay sa domestic job mula sa Inps

Ipinaliwanag ng Inps sa isang komunikasyon ang bagong proseso sa pag-aaplay ng assegni al nucleo familiari sa domestic job.

 

Ang INPS sa komunikasyon 1028 na inilathala noong nakaraang March 7, ay ipinaliwanag ang bagong proseso sa pag-aaplay ng assegni al nucleo familiari sa domestic job tulad ng mga colf at caregivers.

Batay sa halaga ng nabanggit na allowance (na lalong kilala  bilang assegi familiari) na balido hanggang June 2018, ay naglathala ang Inps ng isang gabay para sa pag-aaplay ng mga colf at caregivers.

Ipinaliwanag ng Inps sa nabangit na komunikasyon ang detalye ng online application na kasalukuyang ipinatutupad para sa pag-aaplay ng ANF ay nadagdagan ng bagong function na nakalaan sa domestic job.

Narito ang mga impormasyon na dapat malaman sa pag-aaplay ng Assegno al Nucleo Familiare, ang tulong pinansyal buhat sa Inps na ibinibigay sa pamilya ng mga manggagawa.

Paano magsusumite ng application?

Ang pagsusumite ng aplikasyon ng ANF ay dapat gawin online. Ito ay sa pamamagitan ng website ng Inps, gamit ang personal PIN o ang SPID code.

Sa website ng Inps ay kailangang i-click ang “Famiglia” at pagkatapos, i-click ang:

  1. “accesso al portale delle domande per prestazioni a sostegno del reddito”; 
  2. “persone”;
  3. “autenticazione con codice fiscale e PIN dispositivo”.

Sa sandaling makapasok sa sariling ‘area privata’ ay i-click ang “Assegno al Nucleo Familiare” pagkatapos ay sa “ANFLD at LD Somministrati”.

Sa puntong ito ay kailangang sagutan o i-fill up ang form sa pamamagitan ng mga kinakailangang datos ng aplikasyon. Ang iba ay awtomatikong sasagutan ng Sistema, ang ilan naman ay kailangang sagutan ng aplikante.

Matapos masagutan ay maaari ng ipadala ang aplikasyon.

Gayunpaman, ayon pa sa komunikasyon, sakaling imposible o mahirapan sa unang paraang nabanggit, ay maaari ring gamitin ang alternatibong paraan na inilaan ng Inps.

Kung walang personal PIN ng Inps o nais makasiguro sa pag-aaplay, ay maaaring mag-aplay sa pamamagitan ng sumusunod na paraan:

  • pagtawag sa toll free number ng tanggapan 803 164 mula land line o sa numero 06 164164 gamit ang cellular phone;
  • maaaring lumapit sa mga authorized office o patronati at mga intermediaries.

Paalala na ang allowance ng assegno al nucleo familiare ay direktang ibinibigay ng employer ngunit sa domestic job ay direktang ibinibigay sa worker ng Inps.

 

Mga Dapat Malaman Tungkol sa Dehydration

Nawalan ng trabaho, paano ang renewal ng permit to stay?