in

Multa mula € 400 hanggang € 1000 sa mga lalabag sa DPCM ng Dec 3

Sa mga paghihigpit upang labanan ang pagkalat ng Covid19 sa bansa na nasasaad sa DPCM ng Dec 3 ay naglalaman din ng mga parusa na nasasaad sa artikulo 4 ng dl 19/2020. 

Ito ang nasasaad sa Circular na ipinadala sa mga prefect ng head ng Gabinetto ng Ministry of Interior Bruno Frattasi ukol sa lahat ng mga pagbabawal na ipatutupad sa bansa simula Dec 21 hanggang January 6 at Dec.25-26 at Jan 1. 

Ang buong artikulo 4 ay nakalaan sa pagbibigay ng mga parusa sa mga lalabag sa paghihigpit o restriksyon ng decreto Natale. 

Papatawan ng administrative sanctions o multa mula € 400 hanggng € 1,000 at mababawasan ng 1/3 kung ito ay babayaran sa loob ng 5 araw o € 280,00″. 

Kahit ang pagbibigay ng false declaration sa Autocertificazione ay isang krimen at pangako ng Ministry ang pagsusuri sa katotohanan sa mga deklarasyon sa Autocertificazione. Sa kasong peke ay sasampahan ng kasong ‘falsa attestazione a un pubblico ufficiale’ at ayon sa artikolo 495 ng penal code ay pinaparusahan ng pagkakakulong mula 1 hanggang 6 na taon. (www.stranieriinitalia.it)

Basahin din:

decreto natale Ako ay Pilipino

Ilang katao ang maaaring imbitahan sa sariling bahay sa Pasko?

decreto natale Ako ay Pilipino

Maaari bang i-report sa awtoridad ang kapitbahay sa pagkakaroon ng bisita sa sariling tahanan ngayong Pasko?