Kasalukuyang nakakadanas ng matinding init ng panahon sa Italya. Isang african week, o linggo ng matinding init ang inaasahan, ayon sa mga weather forecast. Kaya naman naririto ang ilang paalala para manatiling maginhawa pa rin ang pakiramdam ngayong summer.
- Iwasan magbilad sa araw, lalo na sa pagitan ng alas-11 ng umaga hanggang alas-6 ng hapon tulad ng ipinapaalala ng Ministero della Salute.
- Magsuot ng puti o mga light colored na damit. Mas mainam na cotton ang damit dahil mas presko.
- Ugaliin ang maligo araw-araw. Ito ay nakaka-presko ng katawan.
- Bagaman hindi gawi ng mga Italyano ang paggamit ng payong tuwing tag-araw, ito ay makakatulong bilang proteksyon sa tindi ng sikat ng araw. Maaaring gumamit rin ng sumbrero.
- Bigyang proteksyon din ang mga mata, magsuot ng shades.
- Magbaon palagi ng tubig. Mas mainam kung may yelo. Mainam na may pamatid uhaw sa gitna ng matinding sikat ng araw.
- Uminom ng walo hanggang 12 baso ng tubig kada araw. Mabuting hydrated para presko na iwas pa sa sakit.
- Kung maaari ay umiwas sa pag-inom ng kape, soft drinks o alak dahil ito ay isa sa mga dahilan ng dehydration.
- Kumain ng magaan na pagkain lamang at dagdagan ang pagkain ng pakwan (o melon) o kung mayroon ay buko juice. Parehong alkaline water ang tubig ng buko at pakwan kaya mabuti ito sa katawan.
- Relax lang sa trabaho. Sa oras ng break, siguraduhin na may maiinom na malamig na tubig o kaya ay natural fruit juices.
- I-limit ang ehersisyo sa. Hinay-hinay lang din kasi mahina ang katawan ng tao kapag mainit.
- Samantala, tiyakin na laging malinis ang electric fan o air con para ma-maximize ang lamig nito.