in

Green pass para sa walang Tessera Sanitaria, narito kung paano

Hindi obligado ang pagkakaroon ng Tessera Sanitaria upang magkaroon ng Green Pass. Bagaman nagiging mas madali ang pagkakaroon ng Green pass kung may Tessera sanitaria. Ngunit para sa mga walang Tessera sanitaria o hindi nakatala sa Sistema Sanitario Nazionale ay mayroong paraan upang makasunod sa bagong patakaran sa Italya. 

Sa ilang mga paraan upang magkaroon ng Green pass, may isang paraang ipinapayo sa sinumang walang Tessera sanitaria at samakatwid ay hindi nakatala sa SSN. Isang simpleng pamamaraan na magagamit matapos mabakunahan, sa pagkakaroon ng negatibong resulta ng Covid19  test at kahit matapos gumaling sa sakit na Covid19. 

Green Pass para sa mga walang Tessera Sanitaria 

Para sa mga walang Tessera sanitaria ay maaaring magkaroon ng Green pass sa pamamagitan ng website “Certificazione Verde Covid-19 / EU digital COVID certificate“.

Sa katunayan, sa website na nabanggit ay mayroong dalawang magkaibang pamamaraan para sa issuance ng Green pass: 

  • para sa mayroong tessera sanitaria at 
  • para sa walang tessera sanitaria. 

Para sa mga walang Tessera Sanitaria ay nangangailangan ng ilang dokumento para magkaroon ng Green Pass. 

Green Pass para sa negative result ng Covid19 test at para sa paggaling sa sakit na Covid19 

  • Uri at numero ng dokumento na ibinigay noong sumailalim sa Covid19 test o noong binigyan ng certificate of recovery;
  • Expiration date ng ibinigay na dokumento;
  • Ang code: CUN para sa tampone moelcolare, NRFE para sa antigenico rapido o NUCG para sa certificato di guarigione.
  • O bilang alternatibo sa mga nabanggit na code, ang AUTHCODE na ipinadala via SMS o email na ibinigay sa health operator. 

Green Pass matapos magpabakuna

  • Codice fiscale o ang identification na itinalaga ng TS System upang ma-access ang pagbabakuna sa Italya;
  • petsa ng huling bakuna

Green Pass para sa walang Tessera Sanitaria, narito kung paano 

  1. Magpunta sa https://www.dgc.gov.it/spa/public/home.
  2. Pillin ang Utente senza tessera sanitaria at ilagay ang mga hinihinging datos. 
  3. Para sa kopya ng Green Pass, i-click ang “Recupera certificazione”.
  4. I-save ito sa smart phone at ipinapayong mag-print din ng isang kopya nito. 
Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 1.5]

WHO, tutol sa third dose ng mga mayayamang bansa

Assegno di Maternità Comune 2021 Ako Ay Pilipino

Assegno di Maternità mula sa Comune 2021, para sa mga Nanay na walang trabaho