in

Ano ang SPID ID at paano magkaroon nito para sa aplikasyon ng italian citizenship?

Ang SPID ID ay tumutukoy sa digital ID o iisang username at password na magbibigay ng access sa anumang online service ng Public Administration.

Sa katunayan, simula Sa Enero ay obligadong isusumite ang mga aplikasyon para sa Italian Citizenship online gamit ang SPID o Sistema Pubblico d’Identità Digitale.

Anu-ano ang mga kailangan upang magkaroon ng SPID ID?

  • Dapat ay ansa wastong gulang o 18 anyos
  • Email address
  • Tel number
  • Balidong dokumento
  • Codice fiscale o tessera sanitaria

Upang magkaroon ng SPID credentials ay maaaring pumili sa 8 identity provider at mag-register sa kanilang website.

 

Ang bagong sistemang ito ay magpapahintulot ding magkaroon ng access sa aplikasyon ng nulla osta al lavoro, sa ricongiungimento familiare, sa aplikasyon ng italian citizenship at maging sa italian language exam.

Narito ang video tutorial kung paano magkaroon ng ID SPID ng libre para sa aplikasyon ng italian citizenship.

 

Ano ang preavviso di diniego sa Italian citizenship? Ano ang dapat gawin kapag nakatanggap nito?

Citizenship ng mga ipinanganak sa Italya, narito kung paano