in

Team Philippines sa Opening Ceremony ng Olympic Games 2020

Pormal nang binuksan ngayong araw ang Olympic Games 2020 sa Tokyo Japan. 

Sa opening ceremony ay pumarada sina Boxer Eumir Marcial and judoka Kiyomi Watanabe bilang mga flag bearers ng Team Philippines sa National Stadium.

Nakasama nina Marcial at Watanabe sa parada sina Araneta, coaches Carlos Padilla (taekwondo), Nolito Velasco (boxing) at Daniel Bautista (skateboar­ding), swimming chief Lani Velasco at gymnastics head Cynthia Carrion-Norton.

Bilang pagsunod sa protocols ay li­mitado lamang ang pinayagang makapanood mismo sa stadium ng tradisyunal na opening parade.

Labingsyam (19) ang mga athletang Pinoy na nangakong pipiliting makapag-uwi sa mailap na kauna-unahang gold medal sa Pilipinas. 

Ilan sa mga sinasabing may malakas na tsansang makopo ang Olympic gold ay sina weightlifter Hidilyn Diaz, golfer Yuka Saso, gymnast Carlos Edriel Yulo, pole vaulter Ernest John Obiena, boxers Eumir Felix Marcial at Nesthy Petecio at skateboarder Margielyn Didal.

Ang Olympic Games 2020 ay gaganapin hanggang August 8, 2021 sa Tokyo, Japan. 

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Veneto, Lazio, Sicilia at Sardegna, orange zone na sa EU

Green Pass, mandatory sa Italya simula sa August 6. Narito ang FAQs.