in

Suspek sa pagpatay kay Fr. Fausto Tentorio, nahuli na!

altNahuli na ang suspek sa pagpatay sa Italyanong pari na si Fr. Fausto Tentorio sa bayan ng AraKan, North Cotabato. Natatandaang binaril ang pari sa loob mismo ng compound ng kanyang parokya noong nakaraang Oct. 17.

Ang suspect ay kinilala ng PNP na si Jimmy Ato, at haharapin ang kasong destructive arson at homicide.

Mayroong warrant of arrest ang NBI ngunit nagpaputok ang kapatid ng suspect na naging sanhi ng barilan. Pansamantalang ayaw munang ibunyag ng NBI ang dahilan ng pagpatay nito sa pari. Inaasahang dadalhin sa Maynila ang supek sa lalong madaling panahon.

PINOY, tanda mo pa ba ang iyong tradisyon tuwing BAGONG TAON?

Diwa ng Paskong nagdaan para sa mga Pinoy sa Roma