in

Porsche ng Pangulo, ibinenta na!

altNatatandaang isang malaking kontrobersiya ang inabot ng Pangulong Benigno Aquino III matapos bilin ang luxury vehicle, isang third-hand 2007 model Porsche car na nagkakalahaga ng P4.5 milyon noong nakaraang taon, kahit pa sinabing sariling pera niya ang ginastos dito. Inakusahan pa rin ito ng ilang kritiko na hindi umano tama ang pagbili ng luxury vehicle bilang kunsiderasyon sa kalagayan ng nakararaming mahihirap na Filipino sa bansa.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Aquino na ibinenta niya ang luxury vehicle dahil sa security reason lalo na’t exposed na ito sa publiko dahil sa media reports at posible diumanong maglagay ng panganib sa buhay ng mga nagbabantay sa kanya.

Ayon pa sa Presidente ay ibinenta niya ang sasakyan sa halaga kung magkano rin niya ito binili.

 

 

Human trafficking, sampu ang inaresto sa buong Italya

PILIPINAS nakilahok sa pagtatayo ng Torre de Babel de Libros