in

Pilipinas, pinarangalan bilang “One of 2012’s Best Leisure Destination Award”

Manila – April 2, 2013 – Pinarangalan bilang “One of 2012’s “Best Leisure Destinations” ang Pilipinas ng Lifestyle Publication, ayon sa website ng DFA nitong Martes,

Ang Grand Annual Tourism Award ay ibinibigay ng Lifestyle Publications tatlong taon na. Ang mga awardees ay pinipili ng mga kinatawan ng tourism industry at mga professionals.

Kabilang ang Thailand, Indonesia, Malaysia at Maldives sa mga pinarangalan sa parehong kategorya.

Ang Lifestyle ay kabilang sa 10 nangungunang pahayagan ng mga anunsyo o advertisement sa China at kinikilalang ““top fashion and lifestyle service newspaper brand in China”. Ito ay naglalathala ng 30,000 kopya tuwing Lunes at Huwebes.

Apat ang Grand Annual Tourism Awards na ipinagkakaloob ng Lifestyles: The Most Popular Destination Award”, “Classic Destination Award“, “The Most Attractive Destination Award”, and the “Best Thorough Tour Destination Award”.

Citizenship – 14 na mga panukalang batas sa Parliyamento

MDG, nagdiwang ng ikalimang anibersaryo