in

Miss Universe, kumpirmado sa Pilipinas

Nakatakdang gaganapin ang coronation night ng Miss Universe sa Mall of Asia Arena sa Enero 30. 

 

Nobyembre 3, 2016 – Kinumpirma ng Department of Tourism (DOT) ngayong araw na tuloy na tuloy na ang Miss Universe 2017 sa Pilipinas.

Ang coronation night ay gagawin sa Mall of Asia Arena sa Enero 30, anunsyo ni DOT Secretary Wanda Teo. 

Masayarin umano ang Pangulo na matutuloy ito sa Pilipinas, dagdag pa ni Teo. 

Bagaman si Steve Harvey pa rin ang magiging host ng taunang pageant sa kabila ng inayawan ni Pangulong Rodrigo Duterte, inaasahan ang pagkakaroon ng Pinay co-host ni Harvey. 

Ilang celebrities din mula sa Hollywood ang magtatanghal sa coronation night na ayon kay Teo ay may mga lahing Pinoy.

Inaabangan na ang Miss Universe dahil ipapasa na ni reigning title holder Pia Wurtzbach ang kaniyang korona na inaasam-asam ng mga Pinoy na maibibigay sa bagong pambatong si Maxine Medina.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Search for Mrs Philippines-Italy 2016, tagumpay!

Nag-aalimpuyong Pahimakas